Mga Post

Homilies and Reflections. Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 28, 2020. Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon  Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 10: 17-42  Sa ating Mabuting Balita, nagbibigay si Hesus ng kondisyon kung papaano ba maging isang tunay na tagasunod Niya. At tila napakahirap ng mga kondisyon, kabilang na rito ang pagpapasan ng krus araw-araw.  Bakit kaya marami ang ayaw sa krus? Ayaw natin ng krus sapagkat ang krus ay nangangahulugan ng kahihiyan? Sapagkat ito ay simbulo ng pagpapakasakit at paghihirap?  Tama. Yan nga ang kahulugan ng Krus. Pero binago na ni Hesus ang kahulugan ng Krus ng ito ay kanyang buong pusong yakapin at ialay ang Kanyang buhay rito para sa iyo at para sa akin. Naghirap at nagpakasakit si Hesus ngunit siya ay muling nabuhay. Hindi natatapos sa paghihirap at kamatayan ang krus. Humahantong ito sa tagumpay. Kaya sa mga tao ng muling pagkabuhay, ang krus ay hindi na instrumento ng pagpapakasakit bagkus ang krus ay imbitasyon para magmahal at magbigay. Ang ibigay a...

Homilies and Reflections. Sabado sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 27, 2020. Sabado sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon / Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo  Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 8: 5-17 Ipinapakilala si Hesus ng ating Mabuting Balita sa araw na ito bilang tagapagpagaling ng mga may sakit. Pinagagaling niya ang ating mga karamdaman at pinanunumbalik ang ating lakas. Pinagaling niya ang alipin ng senturyon at ang biyenang babae ni San Pedro. Magandang tingnan ang napakalaking pananampalatayang ipinakita ng senturyon na bagama’t hindi Hudyo at tagasunod ni Kristo, nagtiwala na mapapagaling ni Kristo ang kanyang alipin. Ang kanyang mga salita, na buong pagpapakumbaba at pagtitiwala niyang inusal ay siya rin nating dinarasal bago natin tanggapin ang katawan ni Kristo sa pakikinabang sa Banal na Misa. “Panginoon, hindi ako karapatdapat na magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.” Hindi kilala ng senturyon ng personal si Hesus. Maaring narinig lamang niya sa mga usap-usapan ng...

Homilies and Reflections. Biyernes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Hunyo 26, 2020. Biyernes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon San Mateo 8: 1-4 “True faith is not entitlement but humility to accept that we are just beggars before the Lord.” True faith is not entitlement, it is the humility to accept that we are just beggars before the Lord. Naalala ko pa noong high school ako pag hihingi ako ng extra na baon o pera at masyado akong nagpupumilit sasabihin sa akin ng nanay ko “Aba, kung makahingi ka, parang may ipinatago ka, ah.” Kung minsan, dahil sa sa tingin natin mabait naman tayo, sumusunod tayo sa utos ng Diyos, entitled na tayo sa mga biyaya na hinihingi at hihingin natin. Dahil mayroon tayong feeling of entitlement, nagagalit tayo at nagtatampo sa Diyos pag hindi natupad ang ating gusto o hinihingi. Wala tayong kabukasan na tanggapin ang sagot na “Hindi” mula sa Diyos. Ang lagi nating gusto ay “Oo”. Hindi dahil sa malaki ang pagtitiwala natin sa Diyos kaya’t puro “Oo” na lamang ang kanyang sagot, ng...

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 25, 2020. Huwebes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon. Ika-37 Taon ng Pagkatatag ng Diyosesis ng Antipolo  Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 7: 21 - 29 Sinasabi sa atin ng Mabuting Balita sa araw na ito na hindi sapat na kilalanin ang Diyos, maging kabilang at aktibo sa simbahan, at maglaan ng oras sa pananalangin. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mas malalim na ugnayan sa Diyos at sa Banal na Espiritu, na siyang pinagmumulan ng inspirasyon tungo sa mas radikal na pagsasabuhay ng pananampalatayang ating ipininahahayag. Pinaaalalahan tayo ni Hesus na kinakailangang ang kaalaman natin sa Diyos at sa simbahan ay hindi manatiling kaalaman lamang. Kailangan nitong dumaloy mula sa ating isip, patungo sa ating puso na siyang magpapakilos sa ating mga kamay. At kapag dumadaloy sa ganyang direksyon ang kaalaman tungkol sa Diyos, natutupad natin at naisasabuhay ang kanyang kalooban. Tunay na ang pananampalatayang walang gawa ay patay, wika nga ni Santiago...

Homilies and Reflections. Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni Juan Bautista

Imahe
Hunyo 24, 2020. Miyerkules. Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas 1: 57-66, 80 Mahalaga ang pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista ngayong araw na ito sapagkat sa buong Simbahan, 3 lamang ang mga taong ipinagdiriwang natin ang kapanganakan sapagkat  kadalasan ang ating pinagdiriwang ay ang kanilang kamatayan (o kapanganakan sa buhay na walang hanggan). Si Hesus, ang kanyang Ina, ang Mahal na Birheng Maria at si San Juan Bautista, pinsan ng ating Panginoon at siyang naghanda ng Kanyang daraanan.  May tatlong nangingibabaw na salita sa ating mga pagbasa ngayong araw na ito ng Miyerkules: Pagtawag, pagpili at pagpapapala. At lahat ng mga salitang iyan, tumutukoy sa buhay ni San Juan na ngayon ay ginugunita natin sa kanyang kapistahan. Siya’y tinawag, pinili at pinagpala at kinalugdan ng Diyos. Pinili na siya’t tinawag ng Diyos duon pa lamang sa sinapupunan ng ka...

Homilies and Reflections. Martes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 23, 2020, Martes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 7: 6, 12-14 B Can Iniimbita tayo ng Mabuting Balita na patuloy nating sundan ang landas ni Hesus kahit pa ilayo nito tayo sa landas na tinatahak ng karamihan.  Napakagandang imahe dito yaong mga rumerespondeng bumbero kapag may sunog. Habang ang mga tao ay papaaalis at papalayo sa nasusunog na gusali, sinusuong naman ng mga bumbero ang gusali upang magsalba ng mga buhay at ari-arian. Hindi alintana ang sarili nilang kaligtasan, makatulong lamang. Ngayong may pandemya, ang mga medical frontliners ay sinusuong din ang landas ng panganib at pangamba, kabaligtaran sa lahat, para makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga labis na nangangailangan nito. Iniwan nila ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan upang harapin ang banta sa kanilang kalusugan, ganoon rin sa kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay, makatulong lamang at makapaglingkod sa kapwang may karamdaman....

Homilies and Reflections. Lunes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 22, 2020, Lunes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 7: 1-5 Kapag tayo ay nanghuhusga, para bagang nagpapataw tayo sa isang tao ng sukatan o standard at ang taong ito, dahil hindi umubra sa ating sukatan, hinuhusgahan natin – ganyan ang ugali nyan kasi di tinuruan ng magulang, Ano ba naman ang aasahan sa taong yan, napakatamad, walang pakialam, sinungaling, balasubas, burara, at napakarami pang iba. Walang masamang pumuna sa kamaliang ginagawa ng iba kaya nga may tinatawag na fraternal correction. Ibig sabihin, itinatama natin ang ating kapwa sapagkat una, baka may mali siyang ginagawa, at ikalawa, nais natin siyang bumuti. Mahal natin siya. Kung kaya’t kinakakailangan na sabihin natin ito sa maayos at mahinahon na pamamaraan. Isaisantabi muna natin ang ating konklusyon. Mahusay tayo sa ganyan. Marami tayong mga assumptions tungkol sa mga tao at mga pangyayari. Ang ating nais muna ay linawin kung bakit halimbawa ang isang tao ay ...