Mga Banal na Pilipino: Venerable Madre Ignacia del Espiritu Santo
Venerable Ignacia del Espiritu Santo Iuco (1663 - 1748) : Tagapagtatag ng Religious of the Virgin Mary Si Madre Ignacia del Espiritu Santo ay maituturing na isang ulirang Pilipina dahil sa kanyang pag-aalay ng sarili para sa Diyos at sa kapwa at sa kanyang kontribusyon sa pagbibigay puwang sa mga Pilipinang nagnanais sumunod sa Panginoon bilang mga relihiyosa sa pamamagitan ng pagsisimula ng Beaterio de la Compania de Jesus , ang pinagmulan ng kauna-unahang kongregasyon ng mga Pilipinang madre na sa kasalukuyan ay kilala bilang Religious of the Virgin Mary. Bagama't napakalaki ng naging ambag ng mga noo'y beata at ngayo'y mga madreng RVM sa pagpapalaganap ng paghahari ng Diyos lalo na sa mga misyon sa malalayong bayan sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa, at ng lumaon ng daigdig, ang Cause for Beatification ng kanilang tagapagtag na si Madre Ignacia del Espritu Santo ay nanatiling nakabinbin sa pagdaan ng napakaraming dekada. Nakalulungkot sap...