Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Magsasaka

Homilies and Reflections: Pag-alaala Kay San Isidro, Magsasaka

Imahe
Mayo 15, 2020, Biyernes, Paggunita kay San Isidro Labrador, Magsasaka Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Juan 15: 12-17 Napakaganda ng mensahe ng salitang ito ni Hesus sa ating Mabuting Balita, nagbibigay ng atas “Ito ang aking utos, mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo.” Mahalaga na nauunawaan natin kung paano si Hesus umibig upang matupad natin ang utos na ito. Pag-ibig na walang sini-sino, pag-ibigay na nakahandang magbigay, pag-ibig na handang magparaya at ialay ang buhay para sa kaibigan.  Pag-ibig na wagas.   Ganyan magmahal si Hesus at iyan ang uri ng pagmamahal na inaanyayahan Niya tayong taglayin. Kung paano ka Niya minahal, iyon din ang pagmamahal na ibibigay mo sa iyong kapwa.  Mahirap.  Hindi madali.  Pero hindi imposibleng gawin sapagkat si Hesus, ibinigay na sa atin ang halimbawa.  Si Hesus ay dakilang guro, nagtuturo siya sa pamamagitan ng kanyang salita lalong higit sa kanyang mga gawa.   Sinabi ni Hesus, mag-ib...