Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo - A

Homilies and Reflections. Dakilang Kapistahan ng Kabanalbanalang Katawan at Dugo ni Kristo - A

Imahe
Ika 14 ng Hunyo, 2020, Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Cycle A) Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan 6: 51-58 Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon. At may nangingibabaw sa ating mga pagbasa sa araw na ito ng Linggo - yaon ay ang "Ala-ala" o memory sa wikang Ingles. Napakahalaga ng alaala o memory sa buhay ng isang tao. Sapagkat nakasalalay sa alaala ng isang tao ang kahihinatnan ng kanyang pakikipag-ugnayan o relationship sa ibang tao. Kapag maganda ang ala-ala natin sa isang tao, mas tumitibay ang ating ugnayan sa kanya, mas lalo tayong napapalapit o mas minamahal natin ang taong iyon. Pero pag ang matingkad na alaala natin sa isang tao ay hindi maganda, iniiwasan natin siya. Nais natin siyang burahin sa ating ala-ala. Kung kaya't napakahirap sa isang pamilyang may magulang o kapatid na nagkakaroon ng Alzheimer's o dimentia. Sapagkat binubu...