Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflections. Sabado sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 27, 2020. Sabado sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon / Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo  Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 8: 5-17 Ipinapakilala si Hesus ng ating Mabuting Balita sa araw na ito bilang tagapagpagaling ng mga may sakit. Pinagagaling niya ang ating mga karamdaman at pinanunumbalik ang ating lakas. Pinagaling niya ang alipin ng senturyon at ang biyenang babae ni San Pedro. Magandang tingnan ang napakalaking pananampalatayang ipinakita ng senturyon na bagama’t hindi Hudyo at tagasunod ni Kristo, nagtiwala na mapapagaling ni Kristo ang kanyang alipin. Ang kanyang mga salita, na buong pagpapakumbaba at pagtitiwala niyang inusal ay siya rin nating dinarasal bago natin tanggapin ang katawan ni Kristo sa pakikinabang sa Banal na Misa. “Panginoon, hindi ako karapatdapat na magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.” Hindi kilala ng senturyon ng personal si Hesus. Maaring narinig lamang niya sa mga usap-usapan ng...

Homilies and Reflections. Biyernes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Hunyo 26, 2020. Biyernes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon San Mateo 8: 1-4 “True faith is not entitlement but humility to accept that we are just beggars before the Lord.” True faith is not entitlement, it is the humility to accept that we are just beggars before the Lord. Naalala ko pa noong high school ako pag hihingi ako ng extra na baon o pera at masyado akong nagpupumilit sasabihin sa akin ng nanay ko “Aba, kung makahingi ka, parang may ipinatago ka, ah.” Kung minsan, dahil sa sa tingin natin mabait naman tayo, sumusunod tayo sa utos ng Diyos, entitled na tayo sa mga biyaya na hinihingi at hihingin natin. Dahil mayroon tayong feeling of entitlement, nagagalit tayo at nagtatampo sa Diyos pag hindi natupad ang ating gusto o hinihingi. Wala tayong kabukasan na tanggapin ang sagot na “Hindi” mula sa Diyos. Ang lagi nating gusto ay “Oo”. Hindi dahil sa malaki ang pagtitiwala natin sa Diyos kaya’t puro “Oo” na lamang ang kanyang sagot, ng...

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 25, 2020. Huwebes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon. Ika-37 Taon ng Pagkatatag ng Diyosesis ng Antipolo  Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 7: 21 - 29 Sinasabi sa atin ng Mabuting Balita sa araw na ito na hindi sapat na kilalanin ang Diyos, maging kabilang at aktibo sa simbahan, at maglaan ng oras sa pananalangin. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mas malalim na ugnayan sa Diyos at sa Banal na Espiritu, na siyang pinagmumulan ng inspirasyon tungo sa mas radikal na pagsasabuhay ng pananampalatayang ating ipininahahayag. Pinaaalalahan tayo ni Hesus na kinakailangang ang kaalaman natin sa Diyos at sa simbahan ay hindi manatiling kaalaman lamang. Kailangan nitong dumaloy mula sa ating isip, patungo sa ating puso na siyang magpapakilos sa ating mga kamay. At kapag dumadaloy sa ganyang direksyon ang kaalaman tungkol sa Diyos, natutupad natin at naisasabuhay ang kanyang kalooban. Tunay na ang pananampalatayang walang gawa ay patay, wika nga ni Santiago...

Homilies and Reflections. Martes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 23, 2020, Martes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 7: 6, 12-14 B Can Iniimbita tayo ng Mabuting Balita na patuloy nating sundan ang landas ni Hesus kahit pa ilayo nito tayo sa landas na tinatahak ng karamihan.  Napakagandang imahe dito yaong mga rumerespondeng bumbero kapag may sunog. Habang ang mga tao ay papaaalis at papalayo sa nasusunog na gusali, sinusuong naman ng mga bumbero ang gusali upang magsalba ng mga buhay at ari-arian. Hindi alintana ang sarili nilang kaligtasan, makatulong lamang. Ngayong may pandemya, ang mga medical frontliners ay sinusuong din ang landas ng panganib at pangamba, kabaligtaran sa lahat, para makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga labis na nangangailangan nito. Iniwan nila ang kaligtasan ng kanilang mga tahanan upang harapin ang banta sa kanilang kalusugan, ganoon rin sa kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay, makatulong lamang at makapaglingkod sa kapwang may karamdaman....

Homilies and Reflections. Lunes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 22, 2020, Lunes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 7: 1-5 Kapag tayo ay nanghuhusga, para bagang nagpapataw tayo sa isang tao ng sukatan o standard at ang taong ito, dahil hindi umubra sa ating sukatan, hinuhusgahan natin – ganyan ang ugali nyan kasi di tinuruan ng magulang, Ano ba naman ang aasahan sa taong yan, napakatamad, walang pakialam, sinungaling, balasubas, burara, at napakarami pang iba. Walang masamang pumuna sa kamaliang ginagawa ng iba kaya nga may tinatawag na fraternal correction. Ibig sabihin, itinatama natin ang ating kapwa sapagkat una, baka may mali siyang ginagawa, at ikalawa, nais natin siyang bumuti. Mahal natin siya. Kung kaya’t kinakakailangan na sabihin natin ito sa maayos at mahinahon na pamamaraan. Isaisantabi muna natin ang ating konklusyon. Mahusay tayo sa ganyan. Marami tayong mga assumptions tungkol sa mga tao at mga pangyayari. Ang ating nais muna ay linawin kung bakit halimbawa ang isang tao ay ...

Homilies and Reflections. Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon - A

Imahe
Hunyo 21, 2020, Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Cycle A) Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 10: 26:33 Lahat tayo ay may mga takot at pangamba. Kung minsan natatakot tayo sa pagsapit ng hinaharap dahil wala itong kasiguruhan. Natatakot din tayong mawalan ng mahal sa buhay. Kung minsan naman ang ating kinatatakutan ay karamdaman, problema, o kung minsan natatakot tayong mabale wala.  Natatakot tayo sa madidlim na lugar, sa matataas na lugar, sa ilang mga hayop.  Napakahaba ng listahan ng ating kinatatakutan. Ang pagkatakot ay normal na reaksyon ng isang tao. Walang taong hindi nakararanas ng natatakot. Ang hindi normal ay kapag pinipigilan na tayo ng ating takot na gawin ang nararapat at naaapektuhan na ang ating kalusugan at pakikipag-ugnay sa ating kapwa. Ayaw na nating kumilos dahil tayo ay pinanghihinaan ng loob, pinangungunahan tayo ng ating takot. Sa Mabuting Balita sa araw na ito, tatlong beses na inulit ni Hesus ang “Huwag kang Matakot” at...