Homilies and Reflections. Dakilang Kapistahan ng Kamahalmahalang Puso ni Hesus
Hunyo 19, 2020, Biyernes. Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11: 25-30 Ang Puso ni Hesus ang pinakadakilang tanda ng awa ng Diyos. Ngayon ay araw ng pagdiriwang sa dakilang pag-ibig ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang puso, ng kanyang pag-ibig, ipinahayag ng Diyos ang kanyang naisin na makipag-ugnayan sa atin. God reaches out to us. He wants to reveal himself to us in a more personal way and enter into greater intimacy and friendship with us. Dahil sa pag-ibig kaya Niya tayo nilikha at dahil din sa pag-ibig kaya Niya ipinadala ang Kanyang Bugtong na Anak, ang pinakadakilang tanda ng Kanyang pag-ibig, upang makasama natin at makipamuhay sa atin, upang tayo’y turuan at pagalingin, at mag-alay ng buhay para sa atin. Ganyan kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Laging nakahandang magbigay at magsakripisyo. At ang pag-ibig na unang ipin...