Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon - Pag-alaala sa Birhen ng Monte Carmelo

Imahe
Hulyo 16, 2020. Huwebes sa ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon. Paggunita sa Mahal na Birhen ng Monte Carmelo Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 11: 28 - 30 Sa araw na ito, iniimbitahan tayo ng Mabuting Balita na suriin ang mga bagay na nagpapabigat sa atin. Mga bagay na pasanpasan natin sa ating mga balikat na nagdudulot ng pagkapagal sa atin. Magandang tingnan, ang lahat ng ito ba ay talagang dapat natin pasanin o marami sa mga ito ay pawang mga kalabisan? Ano ang aking ibig sabihin. Ayon sa mga eksperto, “Majority of the burdens and afflictions we have are self-inflicted.” Ibig sabihin, karamihan sa nagpapapabigat ng ating kalooban, tayo rin ang may kagagawan. Hallimbawa ay ang ating mga galit at tampo. Mayroon kang pinalalaking mga bunga ng mangga sa iyong may bakuran. Bumili ka ng alamang para duon ito isawsaw. Pagdating mo sa bahay, napitas na ng kapit-bahay ang mangga. Kung kaya’t galit na galit ka sa kanya. Tumataas ang presyon mo kapag nakikita m...

Homilies and Reflections. Martes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 14, 2020. Martes sa ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11: 20-24 May kasabihang ang mundo ay isang entablado. The world Is a stage. Isang malaking pagtatanghal daw ang buhay at sa bawat pagtatanghal, may mga aktor na siyang gumagalaw at nagbibigay buhay sa entablado at mga spectators o yaong mga nanunuod lamang. Ang mga aktor ay siyang kumikilos at nagsasagawa ng mga eksena na siya namang pinanunuod ng mga tao. Sa ating Mabuting Balita, tila nagalit na ang Panginoong Hesus sa mga bayan ng Corazin, Betsaida at Capernaum at sila ay binigyan ni Hesus ng babala sapagkat sa kabila ng Kanyang mga ipinamalas na mga himila, nananatili silang tila mga manonood lamang, ayaw nilang kumilos tungo sa pagbabagong puso at patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan. Kung baga, kontento na lamang silang panoorin ang mga ginagawa ng Panginoon na tila isang pagtatanghal. Nasiyahan sila sa panonood. Nakalimutan nilang kasali sila sa tanghalan ng gawaing ...

Homilies and Reflections: Lunes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 13, 2020. Lunes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 10: 34 - 11: 11 Ngayong araw na ito, tila iba ang dating ni Hesus sa kanyang pangangaral sa kanyang mga alagad. Kung noon ang napapakinggan natin ay si Hesus ay nagdadala ng kapayapaan at tinagubilinan ang Kanyang mga alagad na dalhin ang kaparehong kapayapaan sa lahat ng kanilang pupuntahan, ngayon iba ang tono ng ating Panginoon. Wika Niya: “Ang dala ko’y tabak at hindi kapayapaan”. Siya ay magiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya at mag-anak dahil sa pagsunod sa kanyang mga pangaral. Nangangahulugan lamang ito na ang pagsunod kay Kristo ay hindi lamang kung kalian mo gusto, o kung kalian lamang madali o paborable sa iyo. Ang pagsunod kay Hesus ay isang panghabang buhay na commitment, araw-araw, oras-oras ng ating buhay. Ito ay ang pagtatakda na uunahin mo at pahahalagahan ang kalooban ng Diyos higit sa anu pa man sa buhay mo. Mahirap, oo. Ngunit kakayanin. Si Hesus ...
Imahe
Hulyo 17, 2020. Biyernes sa ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 12; 1-8 Sa ating Mabuting Balita, nakabanggang muli ni Hesus ang mga Pariseo dahil sa kwesyon ng pagsunod sa batas ng Sabbath. Nagutom kasi ang mga alagad ni Hesus kung kaya’t pumitas sila at kumain ng trigo nang sila ay mapadaan sa triguhan. Mabilis ang panghuhusga ng mga Pariseo – nagkasala sila sapagkat nilabag nila ang batas ng Sabbath. Magandang tingnan. Ang Sabbath, o ang araw ng pamamahinga ay itinatag upang ang mga Hudyo ay makapagpahinga at makapagpuri sa Diyos matapos ang isang linggo ng paggawa. Ang Panginoon, noong nilikha niya ang Daigdig, nagpahinga rin. Ngunit sa kagustuhan ng mga Pariseo na masiguro ang pagpapatupad ng araw ng pamamahinga, napakarami nilang ipinalabas na panuntunan kung kaya’t ang araw ng pamamahinga, nauuwi sa araw ng parusa. Mas maraming preskripsyon sa dapat at hindi dapat gawin. Sa Mabuting Balita noong Miyerkules, sinabi na ang Diyos ay ...