Homilies and Reflection. Huwebes sa Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Hulyo 23, 2020. Huwebes sa Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 13: 10-17 Kapag may mahalagang bagay na nawawala sa atin, uunahin nating hanapin ito sa mga lugar kung saan malamang natin ito naiwan. Kung relo siguro ito, uunahin natin maghanap sa kuwarto. Pero pag di natin nakita, pati yung mga lugar na hindi natin inaakala na naroroon ang hinahanap natin, pupuntahan na rin natin at kung minsan, doon pa nga natin masusumpungan ang nawawalang bagay. Sa ating buhay, si Hesus, madalas din natin matagpuan sa mga sitwasyon at pangyayaring hindi natin inaasahan. Kailangan ang kabukasan upang ating masumpungan ang pagpapamalas ni Hesus. Ang mga talinghaga, ay mga pagkakataon din upang ating makatagpo ang mga katotohanan ukol sa paghahari ng Diyos. Sa Mabuting Balita, tinatanong si Hesus nang mga alagad kung bakit Siya nangangaral sa pamamagitan ng mga talinghaga. At maliwanag ang sinasabi ng talinghaga ng manghahasik. Walang problema sa mangh...