Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Priesthood

Vocation Story Episode 19: Sino si Wise Friar?

Imahe
Sabi ni Wise Friar:   " Ang Buhay ay isang paglalakbay. Kailangan mo ng kasabay." i-click ang larawan para mabasa ang interview Ako si Wise Friar... bagong pari.  Papasok pa lamang ako sa ika-7 buwan ng aking pagiging pari habang tina-type ko ito.  Mahilig ako magkwento lalo na kung tungkol sa aking  vocation journey. Naniwala ako na walang kwentong walang kwenta sa mata ng Diyos. Mahalaga ang bawat isa sa Kanya. Gusto ko rin na sa pagkukuwento ko ay maki-journey sa mga taong nasa proseso ng  vocation discernment  - pagtuklas sa totoong bokasyon nila sa buhay - mapa buhay pag-aasawa man ito, buhay single, ngunit lalo't higit sa buhay pag-papari o buhay relihiyoso gaya ng pagiging religious brother o religious sister.  The posts that you will see in this blog, were actually written real-time, noong mismong point at oras na iyon na talagang nag-iisip ako at nagdadasal if I will pursue a vocation to the priesthood.  At dahil they were written in...

Vocation Story Episode 18. Schedule sa Seminaryo

Imahe
"From the rising of the sun to its setting, praised be the Name of God!" (Psalm 113:3) Bro, kung gusto mong pumasok sa seminaryo, isa sa pinakamahalagang dapat tandaan ng isang seminarista ay ang  schedule.   Sa Seminaryo, may oras para sa lahat ng bagay.  At kinakailangan sundin ito.   Kung nasanay ka sa bahay mo na kung anong oras mo na lang gustong gumising, aba, magpraktis ka na na gumising ng maaga.  Kung sanay ka na rin na may naglilinis ng kwarto mo at ng bahay ninyo, sorry tol.  Matutututo ka maglinis ng sarili mong kwarto at ng buong bahay (seminaryo).  Sa seminaryo, may oras ng pag-gising, may oras ng pagdarasal, may oras sa pag-attend ng klase, may oras sa pagkain, may oras sa paglilinis (minor clean up -  manualia  every week; major clean up -  laborandum , as the need arises), may oras ng sports, at syempre, may oras pa rin naman sa sarili mo.   Pero wag mong isipin na mahirap.  Sanayan lang yan.  Ng...

Vocation Story Episode 17. Simula ng Bagong Buhay sa Seminaryo

Imahe
  Sa harap ni Hesus, isinuko ko ang aking sarili upang yakapin ang isang panibagong buhay... Seminarista na ako. Naisip ko, bagama't pari na ako sa ngayon, mas mabuti siguro kung ituloy ko na muna ang mga  Episodes  sa  series  na ito na pinamagatang  "Wise Friar Series"  (Season 1. Si Wise Friar bago pumasok sa seminaryo). para may continuity di ba?  At dahil tapos na ang season 1, pupunta naman tayo sa season 2 na magiging "Wise Friar Season 2" (si Wise Friar bilang isang seminarista) at abangan mo rin sana ang Ang Wise Friar Season 3 (si Wise Friar bilang isang pari) Wow,  trilogy  pala ito. haha.  Sige, simulan ko na ulit ang pagkukuwento. May 20, 2012 .  Alalang alala ko pa ang araw na iyon Ate Charo.. haha.  It was a  Sunday, Solemnity of the Ascension, at World Communication Sunday.   Alam ko ang pagdiriwang na ito kasi dati akong  professor  ng  communication  at aktibo rin sa ...

Vocation Story Episode 16. Bakit Hindi Bukas 'Yon ang Bokasyon?

Imahe
  If today you hear his voice (call), harden not your hearts...        (Hebrews 3:15) Kapatid, alam mo ba na naging  very productive  sa akin ang  quarantine period  na ito kasi ang dami kong nagawa. Nakapagbasa ako ng mga libro na halos kumain na ng alikabok sa  bookshelf , nakapagmunimuni, nakapag-bigay oras sa pananahimik at pagdadasal at bagama't hindi masyadong nakakalabas, nakagawa pa rin ng paraan para makatulong man lang kahit papano sa mga taong dumaranas ng hirap sa ngayon.   At higit sa lahat, nakabalik ako sa pinakagusto kong gawin- ang pagsusulat (Hooray!).

Vocation Story Episode 15. Sinong May Sabi na Wala si Kristo?

Imahe
Miyerkules Santo  na ngayon at halos nasa kalagitnaan na tayo ng mga Mahal na Araw.  At masasabi ko, iba talaga ngayon ang ginaganap nating paggunita sa  Semana Santa .  Ibang iba sa ating nakasanayan at nakaugalian.  Kakaiba ito sapagkat hindi ito 'yung  usual , hindi ito yung  normal .

Vocation Story Episode 13. Ang Mapanganib na Corona!

Imahe
  Mask man o Black Ninja? :-) Usapang C/Korona.   Ngayong mga panahon ito kapatid, nauuso na naman ang usapang corona. Kung titingnan natin ang  range of meaning  nito, kadamihan dito ay positibo. Halimbawa ang korona ay sumisimbulo ng kapangyarihan. Kaya nga ba ang mga hari at reyna noong una magpasahanggang ngayon ay nagsusuot nito bilang senyales ng kanilang kapangyarihan at pamumuno sa kanilang mga nasasakupan. Ang Korona ay simbulo rin ng tagumpay. Isinusuot ito sa mga nananalo kadalasan sa mga timpalak-kagandahan tulad ng Bb. Pilipinas at  Ms. Universe.  Kaya tunay na ito ay inaasam-asam at pinapangarap kamtin ng mga kadalagahan dahil ito ay nangangahulugan ng pagkilala sa kanilang kagandahan. Kung usapang simbahan naman, may tinatawag na  "crown of martyrdom" . Sa  Christian iconography, it o ay ginagamit na simbolo, kasama ang palm leaf sa mga tombstones upang tukuyin na ang taong nakalibing doon ay isang martir, nag-alay ng buhay kay Kris...

Vocation Story Episode 12. 8 years After....

Imahe
  Hello kapatid! Ako'y nagbabalik after 8 years of hybernation sa blogging, I'm back. haha. This is a resurrection of my former blog . As you would see, nag-didiscern pa lang ako na pumasok sa seminaryo noong panahong yon, at ngayon, sa awa at pagmamahal ng Diyos, pari na ako! Di ba? Ang galing talaga ni Lord. God bless kapatid! About the title, parang reminiscent lang nung paborito naming gimik place nung college,  10 Years After.  Pero wala na yata iyon eh. At tinigilan ko na rin ang pag-gimik many years ago. hehe.. That is one thing that I have to give up to embrace a new lifestyle that God has presented to me, and  has invited me to pursue. Napakarami talagang pwedeng mangyari in 8 years. Kung hindi ako umalis sa pagtuturo, ibig sabihin  twenty two years  na pala dapat ako  in service,  at in 3 years, magce-celebrate na ako ng aking  25 years  bilang isang guro. (haayy, nabibisto ang edad ko! haha) It is such a noble idea, pero di ng...

Vocation Story Episode 11. Ang Pamamaalam

Imahe
  Repost (from 2012) "Good bye is not an ending but a beginning.  A saying hello to new experiences and adventures."  Medyo matagal din akong nawala dahil sa napakarami ko na namang pinagdaaanang kung ano-ano. Pagkatapos ng mahabang  Psychological exam  noong March 4, talaga namang katakot takot na pag-iisip at pagdidiscern at sympre, kasama ang pananalangin ang ginawa ko upang harapin ang katotohanang ito - natanggap ako sa seminaryo at gustong gusto ko na talagang pumasok doon. Pero magflashback muna tayo nang kaunti sa mga pangyayari this week. March 27, nagkataong birthday ko ito. Nakatanggap ako ng text message sa isang fellow applicant na nag babackground check na daw si Fr. Dxxx. Pinuntahan na daw yung mga taga Manila at Bulacan na applicant so malamang, sa aming area naman daw siguro ang target dahil tatlo nga kami from our province. Dahil dito, kaagad-agad akong nakipagappointment sa aking Dean upang sabihin sa kanya ang mangyayaring  background ch...

Vocation Story Episode 10. Ang Mahabang Eksamen

Imahe
  Repost ( from 2012) "Ang lahat ng ating mga ginagawa ay maaring tingnan bilang pag-hahanda sa isang exam o pagsusulit.  At ang kalidad ng ginawa nating paghahanda ang siyang magtatakda kung tayo ay papasa o hindi sa napakaraming eksamen ng pang-araw-araw na buhay" Ang mga huling araw eh naging napaka-toxic na naman para sa akin. As usual, hanggang leeg na naman ang mga deliverables at mga pending documents at reports na dapat asikasuhin. Pero dahil inspired talaga ako magsulat sulat ngayong mga nagdaang araw, humanap pa rin ako ng pagkakataon para makapagpost ng bagong entry. Haha. Nung Linggo (March 4), muli akong nagbalik sa seminaryo para sa  psychological exam . Medyo ngarag ako dahil tinanghali ako ng gising! Dagdag pa dyan ang matagal na pagpila sa terminal ng bus at ang bagong regulasyon sa speed limit na ipinatutupad ngayon sa SLEX. Dahil sa mga yan, dumating ako sa may Makati ng mga alas ocho (alas ocho ang schedule ng exam - haha) talaga namang hangos na hango...

Vocation Story Episode 9: Live-in Vocation Seminar

Imahe
Repost (from 2012) Medyo natagalan din bago ako makasulat ng bagong post dito sa  blog.  Masyado akong nabugbog sa trabaho at sa mga  deliverables  na dapat tapusin matapos ng halos dalawang linggong pagkawala sa opisina. Pero, at least, nagawa ko naman lahat ng mga trabahong iyon at ngayon nga ay nagpupuyat na naman at nilalamay ang  schedule  ng klase para sa darating na 1st semester. Haaayyy. Balik tayo sa  Live-in Vocation Seminar  na naganap noong Feb. 24 - 26 sa Seminaryo. February 23. Bisperas ng Live-in seminar. Papaalis na ako ng opisina para sa  emergency meeting  ng aking kinabibilangang Professional Org. Sa UST  ang meeting para i-finalize ang mga detalye ng  National Conference  na aming ino-organisa sa unang linggo ng Marso, eh isang katutak na paper works galing sa iba't ibang tao at opisina ang tumambad sa akin. Nariyan ang  schedule  na dapat tapusin, ang  quarterly report  na dapat ipa...

Vocation Story Episode 8. Mga Alaala ng Paglisan: Kwentong OFW

Imahe
  Repost (2012) Sa di na rin naman iilang pagbibiyahe ko, marami-rami na akong mga tao, pangyayari, bagay at eksenang nasaksihan sa mga nasabing paglalakbay. Nariyan ang makakita ng mga  giant pandas  sa Hong Kong na tunay ko namang ikinasiya (dahil sa parang tuwang tuwa din sila sa akin - nakakita siguro sila ng kagaya nila dahil mukha akong panda? sa isip-isip ko. haha), ang parang tinatamad na buddha (dahil nakahiga sya) sa Thailand, ang guho ng simbahan sa Macau, ang dambuhalang Ferris wheel sa Singapore (di ako sumakay at baka ako maliyo haha), ang pino at puting-puting buhangin ng Boracay; ang panoorin mga ka-tropa ko mag-zip line sa Dahilayan (panood lang, di daw ako kaya ng kable eh. haha), makakain ng masarap na bagnet (eto pinakagusto ko - putok-batok, pampabata at pampahaba ng buhay - haha) at empanada sa Vigan, sundot kulangot sa Baguio, piayaya sa Bacolod, tupig sa Pangasinan, bumili ng tubao at malong sa Davao, at marami pang iba. Pero ang di ko talaga malim...

Vocation Story Episode 7. Liham buhat sa Seminaryo Part 2

Imahe
Repost (from 2012) Linggo. Maaga pa, excited na ako umuwi para makita ang napakahalagang liham mula sa seminaryo (Pero exage namang sabihin na yung liham lang ang gusto kong uwian, sympre gusto ko na ring umuwi kasi nami-miss ko na mga tao sa bahay at ang mga trabaho ay pihadong nagtambak na sa table ko sa office. haha). Maaga akong nagcheck-out sa hotel at talaga namang halos hilahin ko na ang mga paa ko papuntang airport. Bagama't 11:30 am pa ang alis namin papuntang airport (1:45 pm pa kasi ang flight namin), 9:00 am pa alang eh nasa lobby na ako ng hotel para hintayin ang van na mag-shuttle sa amin papuntang airport. Nasabihan tuloy ako ng isa sa mga delegado sa festival na "Excited na sir umuwi? hehe". Okay lang.  Naupo na lang ako sa couch at nagpakabusy sa paglalaro ng tetris sa celfone.  Ayan na. Dumating na kami sa airport. Nagikot-ikot sandali para bumili ng ilan pang dagdag na pasalubong para sa mga nasa office, para sa bahay, etc. Pagkatapos, nagtungo na kami ...

Vocation Story Episode 6. Liham buhat sa Seminaryo

Imahe
Repost (from 2012) Nandito ako sa Bacolod ngayon para sa isang misyon haha - di naman talaga misyon, uma-attend lang ako ng  film festival na in-organize  ng  National Commission for Culture and the Arts.  Festival ito ng mga pelikula mula sa iba't ibang rehiyon sa bansa. At nakakatuwa manood ng mga pelikula gawa ng mga budding film makers from the regions. Nagkataon na kasali ang dalawang pelikula na ginawa ng mga estudyante ko as their thesis kaya nandito ako as  festival delegate representing CALABARZON. Habang inaaliw ko ang sarili ko sa panonood ng mga Visayan short films (Hindi ako marunong magbisaya, merong subs ang mga pelikula buti na lang) ay nakatanggap ako ng text message mula sa aking ka-co-teacher "May dumating na letter para sa iyo mula sa xxx Seminary". Kinabahan ako, ito kasi yung letter na hinihintay ko, ang magsasabi kung nagqualify ako sa next stage ng admission process. (office address ang ibinigay ko sa seminaryo kasi hindi alam sa bahay na...

Vocation Story Episode 5. Ang mga Pine Trees sa Paaralan

Imahe
Repost (from 2012) Ngayong madaling araw na ito (oo, inabot na ako ng madaling araw kakalaro ng  tetris  kanina - haha) magsesenti naman ako nang konti para maiba naman. At ang buhay naman talaga ay di lang puro saya, palagi ring may mga malulungkot na  episodes , dahil may mga bagay kang inaalalala, binabalik-balikan at hindi makalimutan lalo na kung mawawala o aalis ka na. Mga bagay na napamahal na sa iyo, naging bahagi na ng buhay mo - mga bagay na mahirap i-let go (buntong hininga). Malungkot talaga ang bawat pagpapaalam. Iniisip mo pa lang, parang nanghihina ka na.   Siguro pag umalis ako dito sa  present work  ko (ang paaralang kulay luntian dito sa bahaging ito ng Luzon), marami akong mamimiss at talaga namang laging sasagi sa aking gunita kahit ako ay malayo na. Nariyan ang aking koleksyon ng mga libro, na matagal tagal ko ring pinaglaaan ng oras, pera, at atensyon, nariyan din ang aking  vcd/dvd collection  ng mga paborito kong pelik...

Vocation Story Episode 4. Ang Pabalik-balik Kong Pigsa

Imahe
  Repost (from 2012) Malamang itatanong mo, ano ba ang kaugnayan ng pigsa sa aking  discernment ? Bakit naman tayo napunta sa usapang pigsa? O, relax ka lang. Eto ikukuwento ko sa iyo. Sa nakaraang dalawa o tatlong taon, napansin ko na kapag ako'y aalis at may pupuntahang malayong lugar o kinakailangang mawala sa bahay ng higit sa isang araw, palagi na lang may lumalabas na pigsa sa ilalim o likod ng aking kaliwang tenga. Sari-sari nang paraan at lunas ang aking sinubukan para ito ay tuluyan nang gumaling at huwag nang magpabalikbalik. Sympre ang first  recourse  ay hilisin (pisakin) para palabasin lahat ng mga nana at mata ng pigsa ( yucckkk!  haha) pero wala itong epekto. Eto eh nung mag-aatend ako ng kumperensya sa Bangkok. Bumalik pa rin ito kahit talaga namang pihit ako sa sakit habang pinipisil ni utol ang pigsa upang mapalabas ang n*** (alam nyo na haha). Hindi kasi uubra ang bote dito eh, kasi masasaktan ako nang masyado dahil masyadong maliit na yung es...

Vocation Story Episode 3. Masarap Maglakbay Kung May Baon Kang Cheetos!

Imahe
  Maging Akin Muli (Song)  Repost (from 2012) Kapag ako'y naglalakbay (jetsetter oh! haha) lalu na't sa bus (ngek, bus lang pala eh) pabalik sa probinsya galing sa Maynila, kinaugalian ko nang bumili ng chichirya (di na mahalaga kung ano mang  brand  yan - pero  cheetos  talaga paborito ko - hehe). Dahil sa kinakain kong  cheetos , na sasabayan ko pa ng lag-ok ng paborito kong  mountain dew  o  minute made  (ung isang litro, repa, promise!) eh parang bumibilis at mas nagiging kaaya-aya ang biyahe (kahit di kaayaaya ang tanawin sa tabi o sa harap ko paminsan-minsan hehe). Kagaya ng paborito kong chichiryang  cheetos  (panuorin mo muna ang commercial ng paborito kong chichirya kung may oras ka haha) at panulak na  mountain dew , pinagagaan din ng kantang 'to ang aking biyahe tungo sa paglilingkod kay Kristo (nag-segue, haha). Kinilabutan talaga ako (gapang sa buong katawan ko ih) nang una kong napakinggan at di ko talag...