Homilies and Reflections. Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni Juan Bautista
Hunyo 24, 2020. Miyerkules. Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas 1: 57-66, 80 Mahalaga ang pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista ngayong araw na ito sapagkat sa buong Simbahan, 3 lamang ang mga taong ipinagdiriwang natin ang kapanganakan sapagkat kadalasan ang ating pinagdiriwang ay ang kanilang kamatayan (o kapanganakan sa buhay na walang hanggan). Si Hesus, ang kanyang Ina, ang Mahal na Birheng Maria at si San Juan Bautista, pinsan ng ating Panginoon at siyang naghanda ng Kanyang daraanan. May tatlong nangingibabaw na salita sa ating mga pagbasa ngayong araw na ito ng Miyerkules: Pagtawag, pagpili at pagpapapala. At lahat ng mga salitang iyan, tumutukoy sa buhay ni San Juan na ngayon ay ginugunita natin sa kanyang kapistahan. Siya’y tinawag, pinili at pinagpala at kinalugdan ng Diyos. Pinili na siya’t tinawag ng Diyos duon pa lamang sa sinapupunan ng ka...