Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflection. Biyernes sa Ika-3 sa Karaniwang Panahon

Imahe
January 29, 2016. Friday of the Third Week in Ordinary Time Reflection of the Holy Gospel according to Mark 4: 26-34 Jesus said to the crowds: “This is how it is with the Kingdom of God; it is as if a man were to scatter seed on the land and would sleep and rise night and day and the seed would sprout and grow, he knows not how. Of its own accord the land yields fruit, first the blade, then the ear, then the full grain in the ear. And when the grain is ripe, he wields the sickle at once, for the harvest has come.” He said, “To what shall we compare the Kingdom of God, or what parable can we use for it? It is like a mustard seed that, when it is sown in the ground, is the smallest of all the seeds on the earth. But once it is sown, it springs up and becomes the largest of plants and puts forth large branches, so that the birds of the sky can dwell in its shade.” With many such parables he spoke the word to them as they were able to understand it. Without parables he did not speak to the...

Homilies and Reflection. Miyerkules sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
  Enero 29, 2020, Miyerkules sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos 4: 1-20 Base sa pamamaraan ng pangangaral ni Hesus, masasabi natin na isa talaga siyang mahusay na guro.  Kung sa ating kapanahunan ngayon, napakahusay niyang gumamit ng visual aids. Gumagamit siya ng mga larawan at imahe sa kanyang pagtuturo upang mas madaling maipaliwanag sa kanyang mga tagapakinig ang mga konsepto na hindi madaling mauunawan kung wala ang nasabing mga larawan - isa na sa mga ito ay ang kaharian o paghahari ng Diyos.  Sa ating pagbasa ngayon, ang ginamit na imahe ay yaong isang magsasaka na naghasik ng mga binhi sa iba't ibang lugar o uri ng lupa na naging sanhi ng pagtubo at paglaki ng ilan at ang hindi pagtubo at paglaki ng ilan.  Tanging ang nahulog sa matabang lupa ang tumubo, lumago at namunga ng masagana.  Base sa pagkakwento ng ating Panginoong Hesus, may isang tema na nangingibabaw sa ating mabuting balita sa araw na ito...

Homilies and Reflection. Martes sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
  Enero 28, 2020, Martes sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon / Paggunita Kay Sto. Tomas de Aquino, Pari at Pantas ng Simbahan Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay SanMarcos 3:31-35 Ang pagiging kabilang sa isang pamilya o grupo ay masasabing mahalaga sapagkat maaari itong magtakda ng direksyon ng buhay ng isang indibidwal. Halimbawa kung nagmula ka sa isang angkan ng mga doktor, malaki ang expectation na magiging doktor ka rin. Kung ikaw naman ay galing sa angkan ng pulitiko, malamang lamang, magiging pulitiko ka rin. Sa lalawigan na aking kinalakhan, napakahalaga ng ugnayan ng magkakamag-anak. May kasabihan kami duon "iisang pisa". Ibig sabihin, iisa ang aming pinagmulan, magkakamag-anak halos ang buong nayon, ang lahat ay magkaka-ugnay, may relasyong namamagitan. Dapat pahalagahan at igalang ang ugnayang ito.  Kapag ikaw ay hindi taal na taga-doon, sasabihin ikaw ay dating o dapo.  Kakaiba ka sa kanila.  Sa ating mabuting balita, binigyang pansin n...

Homilies and Reflection. Lunes sa Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Enero 27, 2020, Lunes sa Ika 3 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos 3:22-30 Sa ating mabuting balita, si Hesus ay inaakusahan ng mga guro ng batas na nagpapalayas ng masasamang espiritu sa pamamagitan ni Beelzebul. Sounds familiar? Sa ating sitwasyon ngayon, nakalulungkot na ang mga taong gumagawa ng tama, ang mga taong gumagawa ng kabutihan ay siya pang inaakusahan na masasama kadalasan.  Ang nagiging norm sa kasalukuyan ay "voice of the majority" kung anong sinasabi at ginagawa ng karamihan, siyang nagiging normal, at ang gumagawa ng tama ay abnormal.  Marahil iyan din ang sitwasyon na hinarap ni Hesus sa harap ng mga Pariseo at mga lider na Hudyo. Kahit tama at totoo ang kanyan mga ginagawa at sinasabi, siya pa rin ang masama, siya pa rin ang "Beelzebul" sapagkat sila ang mas nakararami.  Alam nila na tama si Hesus pero hindi nila ito matanggap. Magandang tingnan kung paanong si Hesus ay makagagawa ng mga dakila at mabubu...