Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay

Homilies and Reflection. Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Muling Pagkabuhay

Imahe
Mayo 8, 2020, Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Muling Pagkabuhay  Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Juan 14: 1-6 Panginoon ituro po ninyo ang daan.  Ayaw po naming maligaw at mawala. Sinabi sa Kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Ang ating Mabuting Balita sa araw na ito ay pamilyar na pamilyar sa atin. Kadalasan, ito ang pagbasa sa misa sa patay o sa paglilibing. Sapagkat ito ay nagpapaalala sa atin ng plano ng Diyos na tayo ay muling makapiling pagkatapos ng ating paglalakbay dito sa daigdig.  Kasali ang bawat isa sa plano ng Diyos, may nakalaang silid para sa bawat isa, hindi tayo kukulangin.  Sa panahon ng paglaganap ng "fake news" at kasinungalingan sa lahat ng dako, sinasabi ni Hesus sa mabuting balita - "Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay." Magandang pagnilayan. Ako na  nakarinig ng salita ni Hesus, ako ba ay nagiging instrumento ng katotohanan sa aking kapwa, o kasama rin ...

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-4 na Linggo sa Muling Pagkabuhay

Imahe
  Mayo 07, 2020 Huwebes sa ika-4 na Lingo ng Muling Pagkabuhay Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Juan 13: 16-20 Kapag tayo ay nakatatanggap ng magandang balita, tayong lahat ay natutuwa. May galak na nagmumula sa ating mga puso na parang di natin kayang sarilinin, bagkos, nais nating ibahagi o ikuwento sa iba.  Naalala ko nasabi minsan ng isang Obispo sa kanyang homilya, "Ang taong nakatanggap ng mabuting balita, nangangati ang dila."  May katotohanan nga ang sinabi ng obispo.   Ang bawat pagbabasa o pakikinig natin sa Salita ng Diyos ay palaging nagdadala ng magandang balita sa atin – na tayo ay may Diyos na nagmamahal at kumakalinga sa atin. Kasali tayo sa kanyang plano – ang makapiling tayong lahat sa buhay na walang hanggan. Ang ating mabuting balita sa araw na ito ay nagpapaalala sa atin na tayo ay kabilang sa planong pagliligtas ng Diyos. At si Hesus, ang kanyang bugtong na Anak, ay Kanyang ipinadala upang isagawa at bigyang katuparan ang Kalooban...

Homilies and Reflections. Lunes sa Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay

Imahe
Mayo 04, 2020,  Lunes sa Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Juan 10: 11 - 18 Napakasarap sa pakiramdam kapag alam mo na mayroong isang nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo.  Yung tipong ipinapakita sa iyo na ikaw ay mahalaga sa kanya at inaasikaso ka sa iyong mga pangangailangan. Hinahanap ka at nag-aalala kapag gabi na halimbawa at ikaw ay wala pa.  Ganyan ang ating mga ina.  Mapagmahal, maalaga at nagsasakripisyo para sa atin.   Ganyan din Hesus, ang mabuting pastol.  Tinitingnan niya at minamahal ang bawat tupa ng  pantay-pantay at walang itinatangi. The love of the Good Shepherd is particular and specific to each and every sheep.  Hindi siya panglahatan kung magmahal na parang sasabihin niya na "Mahal ko kayong lahat", bagkos sasabihin niya, isa-isa sa mga tupa, "Mahal kita, mahalaga ka sa akin."  Personalized ang pag-ibig ni Hesus para sa bawat isa.      Ngun...