Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Pagtatapos ng Pilgrimage Season

Homilies and Reflections. Pagtatapos ng Pilgrimage Season Sa Antipolo

Imahe
Hulyo 7, 2020. Martes. Pagtatapos ng Taunang Pagbista sa Dambana ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay – Birhen ng Antipolo Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas 1: 39-45 Ngayong araw na ito ay pormal na nating sinasaraduhan at tinatapos ang ekstra-ordinaryong pilgrimage season sa Dambana ng Mahal na Birhen ng Antipolo. Extra-ordinaryo ito sapagkat hindi tayo pisikal na nakatungo ngayon dito sa kanyang dambana upang mag-alay ng pananalangin at pasasalamat sa Ina ng Diyos.  Ngayon, wala pan kayo dito physically, kaisa naman namin kayo sa ating pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa pamamagitan ng teknolohiya ng internet.  Kasama at kaisa namin kayo sa pamamagitan ng inyong virtual presence.  Ngunit ito ay isang bagay na hindi natin dapat ikalungkot. Bagkus, dapat tayo ay matuwa. Sapagkat di man tayo nakatungo ngayon sa Mahal na Birhen ng Antipolo, siya naman ang personal na pumunta at tumuloy sa ating mga tahanan upang tayo ay bisita...