Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit - A

Homilies and Reflection: Dakilang Kapistan ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus - A

Imahe
Ika-24 ng Mayo, 2020, Linggo, Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon, Pandaigdigang Araw ng Komunikasyon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 28: 16-20 Walang Kwentong Walang Kwenta Sa kabuuan ng Mabuting Balita, napakaraming talinghaga tungkol sa isang panginoon na naglakbay at ipinagkatiwala sa kanyang mga alipin ang kanyang mga lupain at ari-arian at pagkatapos, siya'y magbabalik at pagsusulitin ang bawat pinamahala sa kanyang yaman at ari-arian. Ang ating pagbasa ngayong araw na ito ay masasabi nating kaganapan ng mga kwentong ito. Sa pagtatapos ng Kanyang misyon sa lupa, ang ating Panginoong Hesukristo ay muli nang babalik sa kung saan siya nagmula - sa Langit at nangako na ipapadala ang Espiritu Santo upang bigyang kapangyarihan ang mga alagad at nagtagubllin at nag-utos sa kanila na ipahayag ang mabuting balita sa lahat ng dako. Nangako rin si Jesus na siya'y magiging kapiling nila hanggang sa katapusan. Ngayon na wala na si Hesu...