Homilies and Reflection. Hulyo 20, 2020. Lunes sa Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Hulyo 27, 2020. Lunes sa ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 13: 31-35 Habang binabasa ko ang Mabuting Balita kagabi, pumasok agad sa isip ko ang tag line ng isang energy drink – “Great things start from small beginnings.” At iyan ang mensahe ng Mabuting Balita. Walang malaking bagay na hindi nagsimula sa maliit, sa wala. Halimbawa ang malalaking building, hindi sila sumulpot na matatayog na mga istruktura kaagad-agad, bagkos, ito ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maliliit na bahagi; magmula sa mga maliliit na bato, semento, bakal at marami pang iba upang maitayo ang mataas na gusali. Sa araw na ito, muling gumamit ang Panginoong Hesus ng talinghaga upang ipaunawa kung paano nagagaganap ang paghahari ng Diyos. At ikinumpara nya ito sa maliit na butil ng mustasa at sa lebadura na inihahalo sa harina. Ang butil ng mustasa, pinakamaliit sa lahat ng mga buto, ngunit pag tumubo, magiging pinakamalaki sa lahat ng mga gulay. Samantal...