Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Sundays Easter Season - A

Homilies and Reflection. Ika-4 na Linggo sa Muling Pagkabuhay

Imahe
  Mayo 03, 2020, Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay /  Linggo ng Mabuting Pastol, Pandaigdigang Pananalangin para sa Bokasyon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Juan 10: 1-10 Kaya't muling sinabi ni Hesus, "Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa... Ako ang pintuan. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko'y maliligtas" Punong puno na naman ng imahe at larawan ang ating mabuting balita ngayong ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol kaalinsabay din ang paggunita sa pandaigdigang araw ng pananalangin para sa bokasyon.   Dalawa ang nangibabaw na larawan sa aking pagninilay sa Mabuting Balita sa Linggong ito. Yaong pastol, ang Mabuting Pastol na walang iba kung hindi si Hesus at ang pintuan, na ginamit din ni Hesus na larawan para tukuyin ang kanyang sarili.  Napakahalaga ng pintuan.  Noong unang panahon, ang mga kaharian, sinisiguro nilang hindi mapapasok ang kanilang palasyo ng mga kalaban sa pamamagitan ng pagpap...