Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflections. IKa-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon - A

Imahe
Hulyo 5, 2020. Ika-14 na Linggo sa Karaniwang PanahonSunday  Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 11: 25-30 Sa aking pagninilay sa mga pagbasa sa araw na ito ng ika-14 na Linggo sa Karanwiang panahon, nangibabaw ang dalawang salita. Kababaang-loob at kapahingahan. Sa mga pagbasa, ipinapakita na ang ipinangakong Mesiyas, may kababaang-loob. Taglay ay kapayapaan para sa bayang Israel.  Sa Mabuting Balita, sinabi ni Hesus na ipinahahayag ng Ama ang Kanyang Sarili sa mga simple at mabababa ang kalooban.. At si Hesus mismo, nagtataglay ng kababaan ng loob.. Sa ating buhay, madalas ay umaasa tayo sa ating sarili. Gustong gusto nating sabihin na “I am a self-made person.” Umunlad ako at nagtagumpay dahil sa sarili kong pagsisikap at pagpupunyagi. Kaya umaasa tayo, kakayanin natin ang lahat ng bagay. Masipag tayo. Madiskarte tayo at marunong sa buhay. I am in control of my life."  Wala namang masamang magtiwala sa sariling kakayahan. Pero minsan sa ating ...

Homilies and Reflections: Biyernes sa Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 10, 2020. Biyernes sa ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon   Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 10: 24 -33 Sa unang pagbasa, sinasabi ni Propeta Osias na ang pagiging makasalanan ng mga Israelita ang naging dahilan ng kanilang pagbagsak. Sa Mabuting Balita naman, sinasabi ni Hesus na isinusugo niya ang Kanyang mga alagad na animo’y mga tupa sa piling ng mga mababangis na lobo. Sa unang tingin, marahil tayo ay magtatanong. Bakit ganon? Parang pareho lang kapahamakan ang naghihintay sa mga gumagawa ng kasalanan gaya ng mga Israelita sa unang pagbasa at ng mga sumusunod sa kalooban ng Diyos gaya ng mga isinusugo sa Mabuting Balita.  Bakit nga ba ganoon? Bilang mga alagad, sila ang pinaka front-liners ng Panginoon. Sila ang nagtutungo sa mga bayan-bayan upang ipahatid ang mabuting balita ng paghahari ng Panginoon. At dahil diyan, itinataya nila ang sarili nilang buhay at kaligtasan sa proseso sapagkat marami marahil ang hindi mauunawaan at hindi tatanggapin a...

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 9, 2020. Huwebes sa ika-14 na Linggo ng Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 10: 7-15 Madalas, pag tayo ay may pupuntahan, halimbawa’y sasama tayo sa isang pilgrimage, napakarami nating dinadala – pagkain, tubig, extra t-shirt, kendi, shades, tuwalya, gamut sa hilo. Kung minsan pag babae pa ang maglalakbay, ang daming dalang bag – may malaki kung saan niya ishu-shoot ang mga bibilhin niya sa kanyang pag-iikot-ikot halimbawa, may pamaypay, payong at may mas maliit pang bag na ang laman naman ay mga abubot – pulbos, make-up, lipstick, at iba pa. Takot na takot tayong mauhaw, magutom, maarawan, mainitan o maging mukhang haggard. Palagi tayong may probisyon sa mga kakailanganin natin.  Ngayong araw na ito, pinaalalahanan ni Hesus ang mga alagad na sa kanilang pangangaral sa paparating na paghahari ng Diyos, wala dapat sila gaanong dala-dala. Bagkus ang tanging dala nila ay ang kapayapaang hatid ng mabuting balita sa kanilang pagbisita sa mga bahay b...

Homilies and Reflections: Miyerkules sa Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 8, 2020. Miyerkules sa ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon  Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 10: 1-7  Sa Mabuting Balita, pumili si Hesus ng labing-dalawa upang maging unang mga disipulo nila at sila ay binigyang kapangyarihan upang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng lahat ng uri ng mga sakit at karamdaman. Pinagbilinan muna silang hanapin ang mga nawawalng tupa ng Israel at ipahayag na nalalapit na ang paghahari ng Diyos.  Sa kanyang pagpili ng mga tagasunod, masasabing walang malinaw na criteria ang Panginoong Hesus. Pinipili niya ang kanyang nais, at siya mismo ang lumalapit at tumatawag sa kanyang maibigan. Hindi na kailangang mag-volunteer o mag-apply ng mga alagad upang maging tagasunod Niya.  Magandang pagnilayan ito. Si Hesus hindi pumipili ng magagaling, ng may mataas na karunungan, ng mga banal o may impluwensiya sa kumunidad. Pinipili Niya ang kahit na sinong kanyang maibigan – ang kinakailangan lamang ay ang kabuk...

Homilies and Reflections. Lunes sa Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 6, 2020. Lunes sa ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 9: 18-26 Napakaganda ng ating mga pagbasa sa ngayon sapagkat ipinapakita ng mga ito ang hindi nagbabagong awa, pag-ibig at pagpapagaling na dulot sa atin ng Diyos. Sa unang pagbasa, ipinakita ang di nagmamaliw na pagmamahal ng Diyos sa bayang Israel sa pamamagitan ng halimbawa ng isang mapagmahal na asawa na nakahandang patawarin ang kanyang asawang nagtaksil at nagkasala. Sa kabila ng kanyang pagiging hindi tapat at salawahan, kahahabagan pa rin siya at aakuin ng Panginoon bilang Kanya. Sa Mabuting Balita naman, matutunghayan ang dalawang himala ni Hesus – ang pagbuhay sa anak na babae ng pinuno ng mga Hudyo at ang pagpapagaling sa babaing dinurugo. Magkaiba sila ng paraan ng paglapit kay Hesus. Magkaiba rin sila ng katayuan sa buhay. Ngunit pareho silang pinakinggan ni Hesus. Ang isa’y hayagang humiling kay Hesus, ang isa nama’y hinawakan lamang nang buong pana...