Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflections. Sabado sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 4, 2020. Sabado. Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 9: 14-17 Kapag marahil, may nagpakita sa atin ng isang baso na may lamang tubig, na kalahating puno at tinanong tayo kung ano ang masasabi natin sa tubig, marahil ang una nating masasabi ay ang baso ay “kalahating puno ng tubig”. Yan marahil ang una nating maiisip. Pero, nakahanda ba tayo na may ibang tao na magsasabi na ang baso ay “kalahating kulang ng tubig?” o di kaya, madumi ang lamang tubig ng baso? O kaya naman ay “nakatatanggal ng uhaw ang tubig?” Tatanggapin kaya natin? Maari ba nating sabihin na tama ang lahat ng kanilang naging pagtingin sa tubig? Tunay na pwedeng isang bagay lang ang ating tinitingnan pero iba-iba ang ating pagtingin o interpretasyon sa magkaparehong bagay. Sa ating pagtingin maaring tama tayo o mali ang iba, o tama ang iba o mali tayo, o tama tayo at tama rin ang iba. Pero ito ba ay usapin ng pagiging tama o pagiging bukas na tanggapin ang pagtingin ...

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
July 2, 2020. Thursday of the 13th Week in Ordinary Time Reflection on the Holy Gospel according to St. Matthew 9: 1-8 Today Jesus was confronted by the teachers of the law because of his act of healing and forgiving the paralytic man. In a way, the teachers of the law were partly correct with their reaction when they heard Jesus say “Your sins are forgiven.” In such a way that they acknowledge that forgiveness is indeed a Divine action. But they were wrong in accusing Jesus of insulting God by forgiving the sins of the paralytic man. For truly, God has given man the power to forgive others’ transgressions not for him to become another god, but for him to acknowledge and further appreciate his own humanity. That like the person he forgives, he is as human and as frail, also in need of healing. Indeed, the act of forgiving is not an act of man. When we forgive, there is always the element of the Divine present because, humans as we are, we cannot forgive so easily just by ourselves. The...

Homilies and Reflections. Miyerkules sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 1, 2020. Miyerkules sa ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 8: 24-34 Ano ang nangyayari kapag ang lipunan ay patuloy na nakalilimot at hindi kumikilala sa kapangyarihan ng Diyos? Nanlalamang tayo sa kapwa, kumukuha tayo ng hindi sa atin, pumapatay at umaabuso tayo sa kapangyarihan. Namamayani ang kasamaan. Iyan ang nakakatakot kapag nakakalimutan ng tao ang kanyang kalikasan - na siya ay nilikhang kawangis ng Diyos at siya'y may angking likas na kabutihan. Sa Mabuting Balita, pinagaling ni Hesus ang dalawang inaalihan ng demonyo. Kaagad nakilala at naramdaman ng masasamang espiritu ang kapangyarihang nagmumula kay Hesus at kaagad-agad Siyang nakilala at kinilala ng mga ito kung kaya't nakiusap sila na sila'y itaboy na lamang sa mga baboy. Kung minsan nakakalungkot isipin na tayong mga anak ng Diyos, hindi natin kinikilala ang ating dignidad ng pagiging anak. Madalas sa kilala (we know) natin si Hesus ngunit ...

Homilies and Reflections. Martes sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 30, 2020. Martes sa ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon  Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 8: 23-27  Sa buhay na ito, tunay na napakarami nating mga kaabalahan. Si nanay na nagsasaing, nasunog ang kanin dahil sa abala ring sa panoood ng TV., si kuya sa kakalaro sa gadget, nakalimutan ang pinabibili ni nanay sa tindahan matapos magsabi ng “wait lang”. Si ate abalang-abala sa pag-aaral para ma-mentain ang scholarship, napabayaan ang kalusugan kaya lumabo ang mata at nagkasakit. Si nanay at si tatay abala sa paghahap-buhay nakalimutan ang mga anak. Napakahaba ng listahan ng ating mga kaabalahan.  At kapag tayo ay abala, kinukuha ng ating kaabalahan ang ating lahat ng enerhiya, ang ating focus, ang ating atensyon.  Magandang tingnan: ang ating mga kaabalahan kung minsan ang pumipigil sa atin upang makita at mas pagtuunan ng pansin ang tunay na mahalaga. Ang ating mga plano sa buhay, naisin, pagkatakot, at mga alalahanin ay pinupuno tayo ...