Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 18, 2020, Huwebes sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 6: 7-15 Sa panahong ito ng ECQ, GCG, MGCG labis na napakahalaga ng connectivity. Dahil hindi tayo makalabas masyado, dinadaan natin ang pakikipag-ugnay sa iba sa pamamagitan ng iba't ibang social media platforms basta maayos ang ating internet connectivity. Mahalaga ang connectivity kasi ito ang nag-lilink sa atin sa mga taong mahal natin o mahalaga sa atin, sa ngayon kahit virtual lang.   Sa buhay Kristiyano, mahalaga rin ang connectivity. We need to be constantly connected and communicating with the Lord through our prayer life. Sa ating Mabuting Balita, itinuturo ni Hesus ang tamang disposisyon sa pananalangin – Ang pagtawag at pagkilala sa Diyos bilang Ama natin. Napakaganda ng panalangin na si Hesus mismo ang nagturo. Sapagkat ito ay nakaugat sa malalim na pagkakakilala at ugnayan sa pagitan ni Hesus at ng Kanyang Ama. At ito rin ang nais niya para sa atin, na t...

Homilies and Reflections. Miyerkules sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
17 Hunyo 2020, Miyerkules sa ika - 11 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 6: 1-6, 16-18 Sa Mabuting Balita, tila nagbibigay ng guidelines si Hesus kung paano tutulong sa kapwa, magdadasal at mag-aayuno - mga gawain ng isang mabuting Kristiyano. Magandang tingnan, ano ang motibo natin kung bakit natin ginagawa ang mga bagay na ito? Ginagawa ba natin ito dahil ito ang idinidikta ng ating puso at siyang nararapat gawin ng isang taong nagmamahal at sumusunod sa kalooban ng Diyos o ginagawa natin ang mga ito para tayo ay makapagpasikat, mapuri at mapansin ng ibang tao? Kung minsan, we do the right thing for the wrong reason. Tama ang ginagawa natin ngunit may hindi tama sa dahilan o motibo natin. At yan ang nais itama ni Hesus sa ating Mabuting Balita. Harinawa ang tangi nating dahilan sa pagtulong sa kapwa ay upang sundin ang kalooban ng Diyos. Wala nang iba pa. Sapagkat kung ang ating paggawa ng mabuti ay nakasandig lamang upang tayo ay mapuri, ma...

Homilies and Reflections. Martes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
16 Hunyo 2020, Martes sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 5: 43-48 Kapag tayo ay may kaaway, dala ng ating galit o tampo, palagi agad tayong may judgment sa taong ating nakasamaan ng loob. Siya ang may kasalanan, bakit nya nagawa sa akin ito, napakasama niya. Ilan lamang iyan sa mga salitang maaring masabi natin tungkol sa taong ating nakaaway. Dahil diyan, isinasara natin ang puso natin sa taong iyon. Marahil masasabi rin natin, hindi natin siya mapapatawad. Pero ang Diyos, hindi isinasara ang puso Niya sa kahit na kanino. Sabi nga sa Mabuting Balita, pinasisikat Niya ang araw sa mabuti at masama, at nagpapaulan sa makatarungan at di makatarungan. Walang panghuhusga sa paningin ng Diyos. Mga anak ang tingin Niya sa bawat Isa sa atin. Kung gayon, kabilang tayo sa mga pinaghaharian ng Diyos kung tayo ay marunong ding tumingin ng kagaya ng pagtingin Niya - may pagmamahal at pang-unawa sa ating kapwa, walang halong panghuhus...

Homilies and Reflections. Lunes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
15 Hunyo, 2020. Lunes sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mubuting Balita ayon kay San Mateo 5: 38-42 Minimum, Maximum.  Sa ating araw-araw na pamumuhay, pag naririnig natin ang salitang minimum, ibig sabihin, yun ang pamantayan o benchmark. Pag mayroon halimbawa ng ganoong halaga, kunwari, minimum wage, ibig sabihin makatarungan ang sahod na iyon, kung minimum fare naman, iyon ang makatarungang pamasahe para sa ganoong distansya. Pero pag sinabing minimum effort, parang hindi magandang pakinggan, para namang kulang. May maibibigay pa, may pwede pang gawin.  Sa ating Mabuting Balita, tayo ay inaanyayahan at hinahamon na lampasan ang minimum. May pagbanggit sa batas ng mata sa mata, ngipin sa ngipin o Lex Talionis. Sa unang tingin, para bang masama ang batas na ito dahil ito ay nangangahulugan ng gantihan. Dahil may inutang kang buhay, buhay din ang kapalit halimbawa. Pero sa mas malalim na pagunawa sa batas, hindi ganoon ang ibig sabihin nito. Ito ay sumisigur...