Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Pag-alaala Kay San Felipe Neri

Homilies and Reflections: Pag-alaala kay San Felipe Neri, Pari

Imahe
  Ika- 26 ng Mayo, 2020, Martes, Paggunita kay San Felipe Neri, Pari Pagninilay sa Mabuting Balita - Juan 17: 1-11a "Be iba." Sa Mabuting Balita ating natunghayan ang panalangin ni Hesus para sa lahat sa atin. Si Hesus ay nananalangin sa Ama para sa kanyang iniwang kawan. Mission accomplished na si Hesus at babalik na SIya sa Ama. At ang hamon ng panalangin ni Hesus para sa atin; tayo ay maging naiiba sa mundo sa pagtulad sa Kanya at sa pagsunod sa kalooban ng Ama. Ang pagtulad kay Hesus ay pagiging naiiba, iyan ang katotohanan at kabalintunaan ng pagiging alagad. Bagama't nasa mundo, hindi tayo para sa mundo. Kung kaya't kailangan nating magmahal, magpatawad, magbigay, magbahagi. Kabaligtaran sa idinidikta ng mundo na maging sakim, magkamkam, maging makasarili, isipin lamang ang sarili, bahala na ang iba.  Sa pagiging iba sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, nawawala ang kaibahan sapagkat ang tao na dati ang tingin mo ay iba, hindi mo kilala, malayo sa iyo, walang konek...