Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Kapistahan - Sto. Tomas Apostol

Homilies and Reflections. Kapistahan ni Sto. Tomas, Apostol

Imahe
Hulyo 3, 2020. Friday. Kapistahan ni Sto. Tomas, Apostol Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan 20: 24-29 Ano ang matututunan natin sa ating Mabuting Balita ngayong ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni Apostol Sto. Tomas? Ang mga alagad, hindi sila sila piniling perpekto. Katulad rin natin sila. Sa simula, hindi rin nila agad naunawaan si Kristo, pinanghihinaan din sila ng loob, nakakaramdam ng takot at pagdududa. Wala silang gaanong pinagkaiba sa atin. Ordinaryong ordinaryo din silang tulad natin. Ngunit habang tumatagal nilang kasama si Hesus at lumalalim ang kanilang ugnayan sa Kanya, unti-unti, nagiging matibay at matatag sila. Nakalulungkot na nakilala si Tomas sa kasaysayan bilang “Doubting Thomas” Ang alagad na nagduda sa muling pagkabuhay ng Panginoon. Pero hindi natapos sa pagdududa si Tomas. Yon ang mas mahalaga. Bagkus nang kanyang makita ang Panginoon at ipahawak sa kanya ang mga sugat na tinamo ni Hesus, naroon naman ang pinakamalalim na hugot ng pa...