Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Pag-alaala sa Kalinis-linisang Puso ni Maria

Homilies and Reflections. Pag-alaala sa Kalinis-linisang Puso ni Maria

Imahe
Hunyo 20, 2020, Sabado, Pag-alaala sa Kalinis-linisang Puso ni Maria Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas 2: 41-51 Ngayong araw na ito, ipinagdiriwang natin ang pag-aala-ala sa Kalinis-linisang Puso ni Maria. Sa pag-alaala sa kanyang kalinis-linisang puso , ating tinitingnan ang interior life ng Mahal na Birhen – ang kanyang mga katuwaan at hapis, ang kanyang kababaang loob at mabubuting katangian, ang kalinisan ng kanyang puso na laging handang sundin ang kalooban ng Ama, ang pagmamahal niya sa kanyang Anak at ang kanyang maka-inang pagkalinga sa lahat ng tao. Sa Mabuting Balita, ipinakita ang pagsunod ni Hesus hindi lamang sa Kanyang Amang nasa langit, bagkus sa kanyang ama at ina rin na sina Jose at Maria na siyang itinalaga ng Panginoon upang mag-alaga at magpalaki sa Kanya. Ipinakita rin ng banal na mag-anak na sina Hesus, Maria at Jose ang kahalagahan ng pagtitiwala na hindi pinababayaan ng Diyos ang mga sumusunod sa Kanyang kalooban. Naunawaan nila na ka...