Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 4, 2020, Huwebes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Markos 12: 28-34 Sa mabuting balita sa araw na ito, sinuma ni Hesus ang mga kautusan sa dalawang pinakamahalaga: "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.at Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Dalawa lamang. Ngunit bago ang dalawang ito, may nauna muna siyang sinabi: "Pakinggan mo, Israel!" . Nangangahulugan ng kahalagahan ng pakikinig. Sapagkat tanging sa pakikinig, kung tayo'y magiging handang manahimik at itikom ang ating bibig, lamang natin matututunan kung paano magmahal sa Diyos at sa kapwa. Madalas, may problema tayo sa pakikinig, una, kung minsan sarili lamang natin ang nais nating pakinggan, ang tanging mahalaga ay ang nararamdaman natin at ang gusto nating sabihin, wala tayong pakialam sa sasabihin at nararamdaman ng iba. Kung minsan naman nagiging...