Homilies and Reflections. Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Hunyo 28, 2020. Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 10: 17-42 Sa ating Mabuting Balita, nagbibigay si Hesus ng kondisyon kung papaano ba maging isang tunay na tagasunod Niya. At tila napakahirap ng mga kondisyon, kabilang na rito ang pagpapasan ng krus araw-araw. Bakit kaya marami ang ayaw sa krus? Ayaw natin ng krus sapagkat ang krus ay nangangahulugan ng kahihiyan? Sapagkat ito ay simbulo ng pagpapakasakit at paghihirap? Tama. Yan nga ang kahulugan ng Krus. Pero binago na ni Hesus ang kahulugan ng Krus ng ito ay kanyang buong pusong yakapin at ialay ang Kanyang buhay rito para sa iyo at para sa akin. Naghirap at nagpakasakit si Hesus ngunit siya ay muling nabuhay. Hindi natatapos sa paghihirap at kamatayan ang krus. Humahantong ito sa tagumpay. Kaya sa mga tao ng muling pagkabuhay, ang krus ay hindi na instrumento ng pagpapakasakit bagkus ang krus ay imbitasyon para magmahal at magbigay. Ang ibigay a...