Homilies and Reflections. IKa-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon - A
Hulyo 5, 2020. Ika-14 na Linggo sa Karaniwang PanahonSunday Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 11: 25-30 Sa aking pagninilay sa mga pagbasa sa araw na ito ng ika-14 na Linggo sa Karanwiang panahon, nangibabaw ang dalawang salita. Kababaang-loob at kapahingahan. Sa mga pagbasa, ipinapakita na ang ipinangakong Mesiyas, may kababaang-loob. Taglay ay kapayapaan para sa bayang Israel. Sa Mabuting Balita, sinabi ni Hesus na ipinahahayag ng Ama ang Kanyang Sarili sa mga simple at mabababa ang kalooban.. At si Hesus mismo, nagtataglay ng kababaan ng loob.. Sa ating buhay, madalas ay umaasa tayo sa ating sarili. Gustong gusto nating sabihin na “I am a self-made person.” Umunlad ako at nagtagumpay dahil sa sarili kong pagsisikap at pagpupunyagi. Kaya umaasa tayo, kakayanin natin ang lahat ng bagay. Masipag tayo. Madiskarte tayo at marunong sa buhay. I am in control of my life." Wala namang masamang magtiwala sa sariling kakayahan. Pero minsan sa ating ...