Homilies and Reflection. Dakilang Kapistahan ng Birhen ng Antipolo
Mayo 05, 2020, Martes, Dakilang Kapistahan ng Ina ng Kapapayaan at Mabuting Paglalakbay (Dyosesis ng Antipolo) "Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.” -Juan 2: 5 Nuong Linggo, pinagdiwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol. Ngayon naman Martes sa ika-4 na Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay, unang Martes ng buwan ng Mayo,ay itinalaga ang dakilang kapistahan ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, Birhen ng Antipolo dito sa Diyosesis ng Antipolo. Magandang pagnilayan, si Maria, bagama't ina ni Hesus ay masasabi nating pinaka-una sa pagsunod sa Mabuting Pastol, ang kanyang Anak. Siya ang nangunguna sa mga kapwa niya tupa sa pakikinig sa Mabuting Pastol at pagsunod sa kalooban ng Ama. Sa kanyang "Fiat" ibinigay niya ang kanyang pagsang-ayon sa planong pagliligtas ng Diyos at bagam't hindi malinaw sa kanya ang mga bagay-bagay marahil dahil sa kanyang kabataan, nagpapasailalim siya at...