Mga Post

Homilies and Reflections. Huwebes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon - Pag-alaala sa Birhen ng Monte Carmelo

Imahe
Hulyo 16, 2020. Huwebes sa ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon. Paggunita sa Mahal na Birhen ng Monte Carmelo Pagninilay sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 11: 28 - 30 Sa araw na ito, iniimbitahan tayo ng Mabuting Balita na suriin ang mga bagay na nagpapabigat sa atin. Mga bagay na pasanpasan natin sa ating mga balikat na nagdudulot ng pagkapagal sa atin. Magandang tingnan, ang lahat ng ito ba ay talagang dapat natin pasanin o marami sa mga ito ay pawang mga kalabisan? Ano ang aking ibig sabihin. Ayon sa mga eksperto, “Majority of the burdens and afflictions we have are self-inflicted.” Ibig sabihin, karamihan sa nagpapapabigat ng ating kalooban, tayo rin ang may kagagawan. Hallimbawa ay ang ating mga galit at tampo. Mayroon kang pinalalaking mga bunga ng mangga sa iyong may bakuran. Bumili ka ng alamang para duon ito isawsaw. Pagdating mo sa bahay, napitas na ng kapit-bahay ang mangga. Kung kaya’t galit na galit ka sa kanya. Tumataas ang presyon mo kapag nakikita m...

Homilies and Reflections. Miyerkules sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon - Pagalaala kay San Buenventura

Imahe
Hulyo 15, 2020. Miyerkules sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon / Paggunita kay San Buenaventura, Obispo at Pantas ng Simbahan Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11: 25 - 27 Simple lamang ang mensahe ng ating mga pagbasa, ngunit bagama’t simple, marami sa atin ang tinatamaan – Wag daw tayong mayabang. Wag tayong palalo. Sapagkat ang Diyos, hindi nalulugod sa mga mayayabang bagkus, ang kinalulugdan Niya ay yaong maliliit, mga walang inaasahan. Sabi sa unang pagbasa, hindi maaring ang palakol gaano man dami ng kahoy ang kanyang nasisibak, ang lagari gaano man siya katalas at ang baston ay mas makapangyari pa sa taong may ari o hawak nito. Ibig sabihin, ang lahat ng mayroon tayo – ang ating mga talento, galing, kayamanan, kakayahan at kaalaman hindi atin. Instrumento lamang tayo ng Panginoon nang sa gayon, tayo ay makapaglingkod sa ating kapwa at mabigyan ng lalong kaluwalhatian ang DIyos dahil sa Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin. Sino nga ba ang mga itinuturing na malii...

Homilies and Reflections. Martes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 14, 2020. Martes sa ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11: 20-24 May kasabihang ang mundo ay isang entablado. The world Is a stage. Isang malaking pagtatanghal daw ang buhay at sa bawat pagtatanghal, may mga aktor na siyang gumagalaw at nagbibigay buhay sa entablado at mga spectators o yaong mga nanunuod lamang. Ang mga aktor ay siyang kumikilos at nagsasagawa ng mga eksena na siya namang pinanunuod ng mga tao. Sa ating Mabuting Balita, tila nagalit na ang Panginoong Hesus sa mga bayan ng Corazin, Betsaida at Capernaum at sila ay binigyan ni Hesus ng babala sapagkat sa kabila ng Kanyang mga ipinamalas na mga himila, nananatili silang tila mga manonood lamang, ayaw nilang kumilos tungo sa pagbabagong puso at patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan. Kung baga, kontento na lamang silang panoorin ang mga ginagawa ng Panginoon na tila isang pagtatanghal. Nasiyahan sila sa panonood. Nakalimutan nilang kasali sila sa tanghalan ng gawaing ...

Homilies and Reflections: Lunes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 13, 2020. Lunes sa Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 10: 34 - 11: 11 Ngayong araw na ito, tila iba ang dating ni Hesus sa kanyang pangangaral sa kanyang mga alagad. Kung noon ang napapakinggan natin ay si Hesus ay nagdadala ng kapayapaan at tinagubilinan ang Kanyang mga alagad na dalhin ang kaparehong kapayapaan sa lahat ng kanilang pupuntahan, ngayon iba ang tono ng ating Panginoon. Wika Niya: “Ang dala ko’y tabak at hindi kapayapaan”. Siya ay magiging dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya at mag-anak dahil sa pagsunod sa kanyang mga pangaral. Nangangahulugan lamang ito na ang pagsunod kay Kristo ay hindi lamang kung kalian mo gusto, o kung kalian lamang madali o paborable sa iyo. Ang pagsunod kay Hesus ay isang panghabang buhay na commitment, araw-araw, oras-oras ng ating buhay. Ito ay ang pagtatakda na uunahin mo at pahahalagahan ang kalooban ng Diyos higit sa anu pa man sa buhay mo. Mahirap, oo. Ngunit kakayanin. Si Hesus ...

Homilies and Reflections. Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 12, 2020. Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 13: 1-23 Marahil sa unang tingin, sasabihin natin na tila ang magsasaka sa kwento ni Hesus ay hindi bihasa sa pagtatanim. Sapagkat kung siya ay bihasa, hindi sana siya maghahasik ng binhi sa tabing kalsada, sa batuhan, sa dawagan. Doon lamang siya dapat magtatanim sa matabang lupa. Imposible talagang tumubo, lumago at magbunga ang binhi maliban doon sa matabang lupa. Marahil sasabihin natin, palibhasa mga mangingisda ang karamihan sa mga alagad ni Hesus, hindi siya pamilyar sa pagtatanin. Ngunit ang magsasaka ay hindi ordinaryong magsasaka ganoon din ang binhing itinatanim Niya. Ang magsasaka ay ang Diyos na nagbabakasakali. Nagbabakasakali na ang binhi (ang Kanyang Salita) ay mabubuhay at mag-uugat sa kahit na anong uri ng lupa (mga nakarinig ng Salita). Sapagkat ang kanyang Salita ay buhay at makapangyarihan. Tumatagos sa kaibuturan ng nakakarinig. Hindi ba’t nalikha ang daigdig dahil...

Homilies and Reflections. Sabado sa Ika-14 na Linggo sa karaniwang Panahon

Imahe
Hulyo 11, 2020. Sabado sa ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon / Pag-aala-ala kay San Benito Abad Pagninilay sa Mabuting Balita (Mt. 10: 24-33) Parang pahirap nang pahirap ang mga challenges ng Mabuting Balita. Araw araw, nagbibigay ito ng hamon sa atin bilang mga taga-sunod ni Kristo. Ngunit hindi ba ganyan naman talaga ang buhay, punong puno ng hamon? At ang mga hamong ito ang nagpapapatatag sa atin at nagiging mahalagang sangkap sa pagbuo ng pagiging sino natin – ng ating pagkatao. Nasa atin ang kalayaang pumili – hamon nga, kung susubukan nating sundin at hayaan ang Diyos na siyang mamayani sa ating mga buhay. At sinasabi sa atin ngayong araw na ito, hindi maaring mahigitan ng mag-aaral ang kanyang guro at ng alipin ang kanyang Panginoon. Ano ang ibig sabihin nito? Bilang mga taga-sunod ni Hesus, nakakapit sa ating buhay ang pagsasakripisyo sapagkat si Hesus ay nagsakripisyo para sa atin. At sinasabi sa atin na kasama sa pagsunod sa turo ni Hesus ay ang pagyakap din sa Kanyang kr...

Homilies and Reflections: Biyernes sa Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Imahe
Hunyo 10, 2020. Biyernes sa ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon   Pagninilay sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo 10: 24 -33 Sa unang pagbasa, sinasabi ni Propeta Osias na ang pagiging makasalanan ng mga Israelita ang naging dahilan ng kanilang pagbagsak. Sa Mabuting Balita naman, sinasabi ni Hesus na isinusugo niya ang Kanyang mga alagad na animo’y mga tupa sa piling ng mga mababangis na lobo. Sa unang tingin, marahil tayo ay magtatanong. Bakit ganon? Parang pareho lang kapahamakan ang naghihintay sa mga gumagawa ng kasalanan gaya ng mga Israelita sa unang pagbasa at ng mga sumusunod sa kalooban ng Diyos gaya ng mga isinusugo sa Mabuting Balita.  Bakit nga ba ganoon? Bilang mga alagad, sila ang pinaka front-liners ng Panginoon. Sila ang nagtutungo sa mga bayan-bayan upang ipahatid ang mabuting balita ng paghahari ng Panginoon. At dahil diyan, itinataya nila ang sarili nilang buhay at kaligtasan sa proseso sapagkat marami marahil ang hindi mauunawaan at hindi tatanggapin a...